Pinakamatandang sprinter sa buong mundo, nakapagtala ng bagong world record

Nasungkit ni Emma Maria Mazzenga ng Italy ang isa world record sa 90 and over age group ngayong buwan nang tumakbo siya sa dalawang daang metrosa loob ng 51.47 segundo.

Si Mazzenga ay isa sa mga kilalang atleta ng Italya a kasalukuyang may hawak na limang world record, siyam na European record at dalawamput walong pinakamahusay na Italian performances sa iba’t ibang kategorya ng Masters sprinting.

Natalo niya ang dating record na 53.35 seconds ni Emiko Saito ng Japan noong 2022.

Hindi na nakakagulat na ang Italya ay tahanan ng pinakamabilis na 90 taong gulang na babaeng sprinter sa buong mundo dahil isa ito sa mga bansang may pinaka malaking datos ng edlerly population sa buong Europa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *