Nilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na wala naman talagang role ang Presidente pagdating sa pag-aamyenda ng mga resolusyon.
Ngunit umaasa siya sa tulong ni Pangulong Bongbong Marcos na maibalik ang maayos na relasyon ng mababang kapulungan ng Kongreso at mataas na kapulungan ng Senado.
Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na isyu sa people’s initiative (PI).
Ayon kay Pimentel, sa tulong ng Pangulo ay umaasa siyang magkakaroon ng political solution sa isyu.
Samantala, tiniyak naman ni Pimentel na pinag-aaralan na nila sa Senado ang mga posibleng option na gawin nila bilang institusyon o indibidwal laban sa pagpapatupad ng PI.