Piloto patay, habang 2 sugatan sa helicopter crash sa Clark

Patay ang piloto ng isang private helicopter na pag aari ng Pacific Spotters Corporation, habang sugatan naman ang dalawang kasama nito, matapos mag crash ang naturang aircraft sa Clarkfield kahapon.

Kinilala ang nasawing piloto na si Diosdado Lumanlan 59 anyos at residente ng Pasig.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Habang ang dalawang kasama nitong pawang aircraft mechanic na nakaligtas, subalit nagtamo ng injury ay sina Ivan Abitong at Rodly Jasper Esogon.

Sa report ng mga otoridad, napag-alaman na nagsasagawa ng ground ran ang mga biktima, nang biglang umangat ang helicopter.

Read More:  244 foreigners arrested in Zamboanga Sibugay POGO raids

Naka talon ang dalawang aircraft mechanic, subalit naiwan ang piloto.

Patuloy pang iniimbestigahan ngayon ang naturang insidente.