Pilipinas, pinagpapaliwanag hinggil sa ginawang pagbati ni Pang. Marcos kay Pres. Lai

Pinagpapaliwanag ng China ang embahada ng Pilipinas matapos na magpahatid ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong na halal na si Taiwan President Lai Ching-te.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sinabi ng China huwag manghimasok ang Pilipinas sa Taiwan issues at pinayuhan pa si Pangulong Marcos na alamin ang kasaysayan ng Taiwan at China.

Paglilinaw naman ng Department of Foreign Affairs na nagpapasalamat lang ang Pilipinas sa Taiwan dahil sa magandang pakikitungo ng gobyerno sa mga OFW doon.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Nauna ng nilinaw ng DFA na patuloy na kinikilala ng Pilipinas ang One China Policy pati ang kasunduang aayusin ang mga hindi napagkasunduan sa mapayapang  paaran.