Pilipinas, magpapatuloy sa paghahain ng diplomatic protest vs China – Marcos

Maaaring magpatuloy ang Pilipinas sa paghahain ng diplomatic protest laban sa China kung magpapatuloy ang umano’y panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea,  ito ay sa kabila ng verbal agreement kay Chinese President Xi Jinping nitong unang bahagi ng buwan.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang verbal agreement ay hindi umano pumipigil sa bansa na magpatuloy sa pagpapadala ng protEsta at umaasang magkakaroon ng maayos na kasunduan sa nangyayari sa WPS.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Idinagdag ni Marcos na hindi niya nakikita ang utility para sa mga Chinese na patuloy na gawin ang “shadowing” sa mga mangingisdang Pilipino dahil hindi naman umano banta ang mga Pilipino sa kahit kanino man.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ayon sa mga ulat, tinaboy ng CCG vessel 5204 at isang speedboat ang mga mangingisdang Pilipino sa Ayungin Shoal na 100 nautical miles mula sa Palawan ngunit malapit din sa Mischief Reef, isang lugar sa West Philippine Sea  na iniulat na inookupahan ng China.//CA