Pilipinas, hindi matitinag sa paghahatid ng supply sa WPS

Hindi magpapagil ang Pilipinas at itutuloy nito ang resupply efforts sa West Philippines Sea (WPS) sa kabila ng insidente ng pagharang at pagbangga ng Chinese vessels sa mga barko ng Pilipinas habang nasa gitna ng resupply mission para sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre .

Read More:  Sen. Padilla pushes juvenile detention centers, says minors who kill must be held accountable

Nauna rito, inulat ng National Task Force for West Philippine Sea (NTF-WPS), ang mapanganib na kilos ng China Coast Guard (CCG) na nagresulta sa pagbangga sa contracted resupply boat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang isa pang insidente ng pagbangga ng Chinese militia vessel sa patrol vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bahagi ng Ayungin Shoal.

Read More:  Ex-DPWH chief Bonoan may become state witness in flood control scandal

Nagsasagawa ng rotation and resupply mission ang naturang barko ng AFP sa BRP Sierra Madre nang mabangga ito ng vessel ng China Coast Guard na CCGV 5203.

Ayon sa NTF-WPS, ang pagharang ay nangyari 13.5 nautical miles silangan hilagang-silangan kung saan naroroon ang BRP Sierra Madre.