Inanunsyo ng United Nations Children’s Foundation na tanging ang Pilipinas at Venezuela na lamang sa buong mundo ang nananatiling nakasara ang mga eskwelahan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ay matapos magdesisyon ang Kuwait, Bangladesh at Saudi Arabia na buksan muli ang ilan sa mga paaralan nito ngayong buwan.
Sinabi ni Isy Faingold ng UNICEF-Philippines na dapat ay unti-untihin na ang pagbubukas ng mga paaralan sa boluntaryong paraan.

Anya, mayroon mga bagay ang pwedeng matutunan mula sa karanasan ng ibang mga bansa, na pwedeng ma-adopt sa Pilipinas.
Ipinunto ni Faingold na sa Kuwait ay ire-resume na ang in-person classes sa 1,460 na paaralan sa pamamagitan ng gradual reopening sa lahat ng antas, habang gagawin rin ito ng Bangladesh para sa mga piling grade levels lamang.
Inihayag rin niya na papayagan na ng Audi Arabia ang mga high school students na kumpleto na sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 na bumalik sa mga silid-aralan, habang magpapatuloy naman ang online classes para sa primary level hanggang Oktubre.