LEGAZPI CITY – Kumpirmadong aabot sa PHP1M halaga ang ilalaang pondo para sa pagsasaayos ng opisina ng Commission on Elections (COMELEC) Albay na matatagpuan sa 3rd Floor ng Albay Capitol Annex Building, Legazpi City.
Ayon sa impromasyon mula sa Pamahalaang Panlalawigan, ito ay alinsunod kahilingan ni Provincial Election Supervisor Atty. Maria Aurea C. Bo-Bunao para sa pagkukumpuni at pag-install ng air-conditioning units sa opisina, bukod sa iba pang repair works na gagawin.
Maliban dito, ang tanggapa ay nakakaranas umano ng pagtagas sa nakalipas na mga taon dahil sa mga bitak sa kisame at mga sirang bintana sa conference hall at storage area.
Binigyang-diin ni Bunao na kinailangan ang pag-renovate bilang paghahanda rin para sa nalalapit na 2023 barangay at SK elections.
Ayon pa sa kanya, kabilang dito ang pagsasanay at mga seminar sa iba’t ibang gawaing paghahanda, partikular ang pagtalakay sa mga resolusyon at memorandum para sa kanilang pagpapatupad.
Samantala, ang nasabing pondo ay aprubado na ni Albay Gov. Atty. Edcel Grex Lagman.