PHO Sorsogon, patuloy na pinag-iingat ang publiko sa pagkalat ng HFMD lalo na sa mga kabataan

SORSOGON CITY – Nanawagan ang Provincial Health Office (PHO) Sorsogon sa publiko na magdoble ingat kaugnay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Hand Foot and Mouth o HFMD.

Sa panayam ng Brigada News Sorsogon kay Field Health Technical Services Sanitary Inspector IV Jeanelita Avanica, sinabi nito na dahil pinakamadalas na tinatamaan ng nasabing sakit ay ang mga kabataang edad 10-anyos pababa kung kaya malaki ang papel ng mga magulang upang maiiwas ang kanilang mga anak sa HFMD.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Pinakaunang pamamaraan aniya dito ay ang istriktong paghuhugas ng kamay,  pagiging malinis sa katawan, pagpapalakas ng resistensya at lagi paring pagsusuot ng face mask dahil madali lamang itong makahawa.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa kabuuan umabot na sa 576 ang bilang ng kaso ng HFMD sa lalawigan kung saan pinakamarami ang naitala sa lungsod ng Sorsogon na umabot sa 199 kaso.