PHO iginiit na hindi nagkulang sa COVID- 19 advocacy ang gobyerno

CAMARINES NORTE- Iginiit ng Provincial Health Office na hindi nagkulang ang gobyerno sa mga adbokasiya nito para mahikayat ang mga tao na magpabakuna kontra COVID- 19.

Ito ang inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Sa gitna ito ng takot at tila pag- aalinlangan ng iba sa bakuna.

Paliwanag ni Francisco marami nang ginawang adbokasiya ang PHO, Department of Health at mga demand generation para mahikayat ang mga tao na magpabakuna kontra COVID- 19.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Isa umano sa nakikita niyang problema kung bakit tila hindi na umuusad ang bakunahan ay dahil mayroon pa ring epekto sa mga tao ang dengvaxia scare na naging isyu ilang taon na ang nakakalipas.

Bukod dito wala rin umanong national policy na mag oobliga sa mga tao na magpabakuna.

Ginawa na umano ng pamahalaan ang kanilang magagawa tulad ng pagtungo sa mga eskwelahan, palengke, terminal, mga opisina, simbahan at iba’t- ibang lugar kung saan puwedeng magbakuna.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ang ibang LGU ay nagbibigay ng insentibo para lang mahikayat ang kanilang constituents na magpabakuna.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center halos napako na sa 82 percent ang vaccination coverage sa lalawigan.