Phivolcs nagtala ng apat na volcanic tremor events sa bulkang Taal sa loob ng 24-oras

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang apat na volcanic tremor events sa bulkang Taal sa loob ng 24-0ras.

Sa report ng Phivolcs, tumagal ng dalawa hanggang limang minuto ang mga volcanic earthquakes na may mababang antas ng background tremor.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Aabot naman sa 4,474 tonelada ng sulfur dioxide, ang ibinuga ng Taal Volcano sa loob ng isang araw.

Ayon sa PHIVOLCS, tumaas ng hanggang 1,500 metro ang plume na nagmumula sa bulkan bago naanod papaunta sa timog-kanluran at hilagang-kanluran.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Muling nagbabala ang PHIVOLCS sa mga posibleng panganib kabilang ang biglaang pagsabog, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, at akumulasyon ng lethal volcanic gas.