PHIVOLCS – muling nakapagtala ng phreatic eruption sa Bulkang Taal

Muling nakapagtala ang PHIVOLCS ng isang minor phreatic eruption sa main crater ng Bulkang Taal.

Na-monitor ito kaninang 07:21am.

Nakuhaan ng thermal camera at ng Daang Kastila Observation Station (VTDK) at IP camera sa Taal Volcano Observatory (TVO) sa Brgy. Buco, Talisay, Batangas ang naturang phreatic event.

Read More:  DFA defends Marcos foreign trips amid spending criticism

Nagbuga ito ng 2800-meter-high eruption plume na napadpad sa direksyong pa-timogkanluran.

Read More:  Chinese vessels block PH operation near Pag-asa

Mayroon ding naitalang dalawang volcanic tremors na may dalawang minuto ang haba.

Nananatili naman sa alert level 1 ang bulkan.