NAGA CITY – Naging bahagi rin ng matagumpay na Peñafrancia Festival celebration ang mga sundalo ng 9th Infantry Division Phil Army.
Bagamat naging limitado lamang ang bilang ng mga ito, naging malakas at mapuwersa naman sa nangyaring Traslacion at Fluvial Procession.
Sila ang naging malaking hadlang sa mga pasaway na mga voyadores na nagtatangkang umakyat sa andas ng Inang Peñaferancia at sa standarte ni Mahal na Divino Rostro.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSMS Toby Bongon, ang spokesperson ng Naga City Police Office, sinabi nitong naging voyadores ang mga sundalo para sa naturang layunin.
Ayon kay Bongon, bukod sa naging papel sa traslacion at fluvial procession, may mga sundalong nasa upper barangay ng lungsod para matiyak na walang makakapasok na anumang kalaban ng gobyerno habang isinasagawa ang mga programa.