PHA kinumpirmang may mga miyembro na rin gustong kumalas sa Philhealth

Kinumpirma ng Philippine Hospital Association (PHA) na may mga miyembro din silang nagbabalak nang kumalas sa Philhealth.

Ayon kay PHA spokesperson Dr. Bu Castro, naiintindihan nila ang kanilang mga miyembro at hindi nila ito mapipigilan.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Paliwanag ni Castro batid nilang hirap ang ibang pagamutan sa kanilang operasyon lalo na yung umaasa sa bayad mula sa Philhealth.

Aminado naman ang opisyal na deka-dekada na ang problema sa delayed at mga unpaid claims ng state-insurer sa mga ospital.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Sa kabila nito umaasa naman si Castro na mareresolba ng philhealth at mga ospital ang isyu at hindi na humantong sa pagkalas ng mga ito sa Philhealth accreditation.

Nabatid na unang nagpahayag ang ilang mga miyembro ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) bilang accredited Philhealth hospitals sa susunod na taon.