Kinumprima ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na kikilalanin na rin ng Pilipinas ang COVID-19 vaccination certificates, mula sa apat pang mga bansa.
Ito’y matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs, na kilalanin ang mga national COVID-19 vaccination certificate ng Brazil, Israel, South Korea, at Timor Leste.

Ang vaccination certificates mula sa naturang mga bansa ay magagamit bilang patunay sa Pilipinas, para sa mga layunin ng arrival at quarantine protocols.
Maliban dito, magagamit rin ang naturang certificates para sa interzonal at intrazonal movement.