PH, nagtala ng record-high 22,366 bagong COVID-19 cases

Nakapagtala ang bansa ng 22,366 bagong COVID-19 infections ngayong araw, dahilan para pumalo na ang total case count sa 1,976,202. 

Ito na ang pinakamataas na bilang ng kaso na naitala ng bansa kasunod ng 19,441 cases noong August 28. 

Read More:  Defensor links VP Sara survey drop to impeachment silence

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 148,594 ang active cases sa bansa.

Sa bilang na ito, 95.7 percent ang mild, 1.7 percent ang asymptomatic, 1.1 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Read More:  Palace questions VP Sara Duterte over computer literacy remarks

Umabot naman na sa 1,794,278 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 16,864 pang pasyente.

Samantala, nasa 33,330 na ang kabuuang bilang ng nasawa sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 22 bagong fatalities.