PH at US navies, sinimulan na ang joint maritime drills bilang bahagi ng Sea Phase Exercises ng SAMASAMA 2023

Sinimulan na ng Philippine at US Navies ang joint maritime drills bilang bahagi ng Sea Phase Exercises ng SAMASAMA 2023.

Layon nito na mapahusay ang coordination at technical know-how sa defense systems ng dalawang bansa.

Nagsagawa ng formations ang kalahok na barko ng Pilipinas ang BRP Antonio Lunaat USS Dewey sa areas of operation ng Naval Forces Southern Luzon.

Nagkaroon din ng Photo Exercise kung saan ginamit ng USS Dewey ang kanilang Seahawk helicopter na kumuha ng mga litrato at videos sa isinasagawang naval exercise.

Ang Sama Sama 2023 ay isang multilateral exercise na kasalukuyang nilalahukan ng Pilipinas, United States, Australia, France, Japan, Canada at United Kingdom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *