Pfizer vaccine dinagsa sa Batangas City; bawal walk-in -CHO

Nagsimula na ang lokal na pamahalaan na ibakuna ang Pfizer vaccine mula sa Department of Health roll out sa Batangas City.

Dinagsa ng mga nagnanais na magpabakuna ang Convention Center bilang Covid19 vaccination site at dito nga unang nakatanggap nito si Archbishop Gilbert Garcera, mga opisyal ng barangay at ilang mga nasa hanay ng A2 at A3 priority group sa siyudad.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kaugnay nito ay ipina-paalaa pa rin ng loka na pamahalaan na bawal pa rin ang walk-in na magpapbakuna para na din sa kaligtasan ng lahat.

Matatandaang nabanggit ng kinatawan ng DOH Batangas na apat na siyudad ng lalawigan ang makakatanggap ng Pfizer vaccine kabilang ang Batangas City, Tanauan, Lipa at Sto. Tomas City.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa Batangas City ay nakalatag na ang sistema ng pagbabakuna, maging ang ultra low temperature freezer na pinaglalagakan ng Pfizer vaccine ay maingat na minementina.