Pinagbigyan ng Korte Suprema ang mga motion for Writ of Amparo at Writ of Habeas Data na hiniling ng 2 environmentalist na sina Jonila Castro at Jhed Tamano na dinukot umano ng military.
Hinain ng dalawa ang mga nasabing petisyon laban sa ilang opisyal ng Philippine Army, PNP Bataan, National Security Council, at National task force to end local communist.
Iginagawad ng Korte ang writ of Amparo sa isang taong naglabag o nalagay sa panganib ang buhay at seguridad.
Habang ang Habeas Data naman ay para ma-protektahan ang anumang impormasyon tungkol sa isang indibidwal.
Matatandaang iginiit nina Castro at Tamano na dinukot sila ng military at pinwersa umano na lumagda ng mga affidavit form noong ipresinta sila sa isang press conference na inorganisa NTF-ELCAC noong Setyembre 2023.
