PESO wala pang ‘go signal’ para sa susunod na batch ng DOLE TUPAD program

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Provincial Employment Service Office (PESO) – Sorsogon na hanggang ngayon ay wala pang-abiso sa kanila ang Department of Labor and Employment (DOLE) Sorsogon para sa bagong batch ng magiging benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Displaced/Disadvantages Workers (TUPAD) Program.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang pamamahagi kasi ng pay-out sa nasa 9K indibidwal na nasa listahan ng TUPAD ang prayoridad sa kasalukuyan kung saan kailangang tapusin ang pay-out bago magtapos ang buwan ng Agosto.

Pagtitiyak ng ahensya, sa oras na magbigay na ng ‘go signal’ ang DOLE ay agad nila itong ipapaalam sa mga barangay na siyang tatanggap ng mga aplikasyon para makapasok sa programa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa ngayon, tanging mga benepisyaryo na lang mula sa mga bayan ng Gubat at Pto.Diaz ang hindi pa natatanggap ang kanilang sahod mula sa nasabing programa.