“Year of structural changes”.
Ganito inilarawan ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang performance sa taong 2023.
Sa panayam sa Pangulo,sinabi nitong mahalaga ang naging structural changes para maka angat ang bansa mula sa mga economic challenges dahil sa COVID-19.
Kinakailangan din anyang mag adjust at mag remodel ng bansa tulad ng fiscal, monetary, at spending policy para tuluyang makabawi ang ekomoniya.
Ayon kay Pangulong Marcos, inaasahan na malaki ang magiging epekto ng mga pagbabagong istruktural noong 2023 sa taong 2024.
Nilinaw niya na ipinatupad ng administrasyon ang reporma sa istruktura ng iba’t ibang ahensya sa pamamagitan ng maingat na seleksyon ng pinakamahusay na kwalipikadong tao para sa bawat posisyon.