Peñafrancia Rates ipinatutupad sa Naga City

NAGA CITY –Hindi na sakop ng LGU-Naga ang mga special rates na ipinatutupad ng mga hotel at iba pang mga accommodations ngayong Setyembre dahil kabilang ang mga ito sa free commerce.

Ang mga hotel at mga accommodations ay hindi prime commodities na puwede sanang ma regulate.

Ito ang paliwanag na ibinigay sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Jose Perez, Chairman ng Trade and Investments sa konseho, kaugnay sa ipinatutupad ngayong special rates o Peñafrancia rates sa mga hotel na ang ibig sabihin ay tumaas ang bayad sa mga paupahang kuwarto.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon sa konsehal, nauunawan naman nila ang sistemang ito ng mga hotel owners dahil nga sa panahon ng piyesta ang Setyembre na maraming mga bisita ang nagbo-booked sa mga ito.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

May mga training seminar at ang iba ay pansamantalang ma-stay para manood ng mga activities sa Peñafrancia fiesta.

Karamihan sa mga fully-booked na ay ang mga malalaking hotel sa Magsaysay avenue, sa Diversion at sa may bahagi ng Barangay Triangulo.