PDL whistleblower na nagsabing pinatay ang ilang inmates – bumagsak sa lie detector test

Bumagsak sa lie detector test ang isang person deprived of liberty o PDL na nagsiwalat na nakita umano niya ang pagpatay sa isang high-profile inmate sa loob ng New Bilibid Prison.

Matatandaaan kasing isiniwalat ng naturang PDL na pinatay at hindi namatay sa COVID-19 ang ilang convicted druglords sa loob ng national penitentiary.

Read More:  DOJ says VP Sara Duterte has no criminal immunity

Boluntaryong sumailalim ang PDL sa lie detectoro polygraph test ng National Bureau of Invetigaton (NBI) pero bumagsak ang resulta nito.

Sa kabila niyan, sinabi ng NBI na hindi ito makaapekto sa kanilang imbestigasyon sa insidente.

Paliwanag nila, hindi rin naman admissible sa Korte ang resulta ng polygraph test.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Bago ito, una nang sinabi ng Bureau of Corrections at Department of Justice na ipauubaya na nila sa NBI ang imbestigasyon sa naturang rebelasyon ng PDL whistleblower.

Ni-relieve na rin ng NCRPO ang 22 nilang mga personnel na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkamatay ng high-profile inmate.
#