PCG, target maglagay ng mas maraming mga Philippine markers sa West Philippine Sea

Pina-plano na ng Philippine Coast Guard na magdagdag pa ng mas maraming mga markers sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea.

Ito ang kinumpirma ni PCG Commandant Adm. Artemio Abu sa gitna ng isyu ng pambu-bully ng Chinese military sa mga kine-claim nilang teritoryo sa South China Sea.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Ayon kay Abu, tina-target ngayon ng PCG na dagdagan pa ang mga boya na ipakakalat sa WPS.

Sa pamamagitan ng Task Force – Kaligtasan sa Karagatan, aalimin ang mga ‘critical areas’ sa WPS na maaaring lagyan ng mga markers.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sa ganitong paraan umano ay magsisilbi itong simbolo na teritoryo natin ito, at magsisilbi ring gabay pangkaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda sa area.

Matatandaaang nitong Mayo nang ilagay ang limang mga boya na may Watawat ng Pilipinas sa Kalayaan Group of Islands.
#