CAMARINES SUR- Tuloy-tuloy ang pakikipagbuno sa malalaking alon ng ilang mga lantsa mula sa Garchitorena at Lagonoy Camarines Sur patungo sa Tamban Port sa Tambang, Tinambac Camarines Sur.
Ayon kay CPO Roderick Eclarinal , Commander ng PCG Tambang sinabi nitong kahit walang gale warning ang PAGASA , ramdam pa rin ang epekto ng Shearline. Huwag aniyang magpumilit ang mga pasahero at mga nag dadala ng lantsa kung napakataas ng mga alon upang iwas disgrasya. Batid ng PCG na may mga tumutuloy dahil iyon lamang ang transportasyon at sanay na rin na iyon ang sitwasyon kapag Amihan Season.
Dagdag nito , laging makinig sa balita sa radyo, o kaya tumingin ng facebook page ng PAGASA at coast guard upang updated sa mga babala sa sungit ng panahon.