Nilinaw ng Philippine Coast Guard na walang naranasang water cannon attack ang Philippine vessels mula sa mga barko ng China nang isagawa ang resupply mission sa mga tropa ng sundalo sa Ayungin Shoal.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, ang ginawa lamang ng apat na Chinese Coast Guard at 4 na Chinese Maritime Militia ay harangin , i-harass at guluhin ang resupply mission.

Sinabi pa ni Tarriela na ang resupply mission ay hindi ‘walk in the park experience’ matapos makaranas ng dangerous maneuvers mula sa mga barko ng China.
Dahil naman matagumpay na resupply mission, sabi ni Tarriela, kailangan din bigyan ng credit o papuri ang seamanship skills ng mga nagmamaniubra sa kanilang mga barko para maiwasan ang anumang di inaasahan pang insidente sa WPS.