PCG, magbibigay ng seguridad sa maritime exercises ng PH at US sa EEZ

Magbibigay ng perimeter security ang Philippine Coast Guard sa mga hindi awtorisadong barko na lalapit sa military troops sa isasagawang exercises sa pagitan ng mga barko ng Pilipinas at US sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Ayon kay PCG Spokesperson, Rear Admiral Arman Balilo, magiging limitado lamang ang partisipasyon ng PCG sa maritime exercise na kasalukuyan pa aniyang pinaplantsa kung ano-ano ang partikular na lalahukan ng kanilang hanay sa naturang pagsasanay.

Ngunit isa sa magiging sentro ng papel ng PCG ay ang magbantay at tiyaking hindi panghihimasukan ng mga hindi awtorisadong barko ang maritime exercise.

Anim na Japanese-made vessel ng PCG ang lalahok sa Balikatan.

Ang mga vessels na ito ay idedeploy sa Palawan at Northern Luzon.

Ito ang unang pagkakataon na mayroong role ang PCG sa Balikatan na dati rati ay observer lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *