PBBM umaasang makakatulong ang maritime cooperative activity sa issue sa WPS

Positibo si Pangulong Bongbong Marcos na makakatulong ang multilateral maritime cooperative activity o MMC ng Pilipinas, Japan at Australia para matuldukan na ang agression ng China sa West Philippine Sea.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Bacolod City, sinabi nitong matagal nang pinaghandaan ang MMC, na malaking tulong daw sa interoperability ng mga Navy ng bawat kasaping bansa.

Ayon kay Marcos, ang itinapat ng China na simultaneous joint air and sea combat patrol sa kanilang lugar ay karaniwang reaksyon na lamang para sa kanya.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na makipag-usap sa kanilang mga counterpart sa Beijing.

Ito ay upang mapagusapan ang mga isyu nang mapayapa at maiwasan ang mga kaganapan tulad ng banggaan, water cannon, at iba pang harassment mula sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *