Naispatan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang restaurant sa Laoag City, Linggo ng tanghali, ilang oras matapos tanungin ng ilang netizens ang kinaroroonan ng chief executive sa kasagsagan ng bagyong Paeng.
Sa post ng isang staff ng Dawang’s Eatery Laoag makikita ang mga larawan ng Pangulo sa social media pagkatapos ng tanghalian nito doon noong Oktubre 30.
Makikita sa Facebook page ng restaurant ang larawan ng pangulo kasama ang mga staff ng kainan na nagpapicture sa presidente.
Nakasaad dito ang mga katagang ‘Salamat Pangulong Bongbong Marcos, Sir Vincent Marcos, at Gobernador Matthew Marcos Manotoc sa pagdaan,”na tinutukoy ang bunsong anak ni Marcos na si Vincent at ang kanyang pamangkin na si Matthew.
Bago lumabas ang mga larawan, ilang netizens ang umano’y bumiyahe ang Pangulo sa Japan nitong weekend.
