PBBM, inilarawan bilang “very encouraging” ang resulta ng survey ng Octa Research Group

“Very encouraging” ayon sa Pangulong Bongbong Marcos ang resulta ng survey ng Octa Research Group.

Ayon sa Pangulo , mahalaga ang resulta ng survey dahil ipinapakita lamang nito na kahit paano ay ipinadama ng gobyerno ang kanilang presensya sa bawat antas ng lipunan sa bansa.

Matatandaang sa resulta survey ng OCTA Research Group na isinagawa noong Oktober 23 hanggang 27, tinanong ang mga Pilipinong respondents batay sa mga patakaran at programang ipinakita at ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon.

85 percent ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang lubos na sumasang-ayon na ang Pilipinas ay patungo sa tamang direksyon, habang 6 na percent ang hindi sumangayon.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sa geographical areas, ang trust ratings ni Pangulong Marcos ay mula 82 porsiyento hanggang 92 porsiyento.

Ang pinakamataas na trust ratings ng Pangulo ay sa Mindanao sa 92 percent, habang nagrehistro siya ng 82 percent trust rating sa National Capital Region