PBBM: Bilateral meeting kay Xi sa APEC sidelines, “very pleasant exchange”

Inilarawan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang bilateral meeting nito kay Chinese President Xi Jinping bilang “very pleasant exchange” sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (2022) sa Thailand.

Ibinahagi ng punong ehekutibo na siya at si Xi ay nagkita sa Mandarin Oriental Hotel Huwebes ng gabi, bago dumeretso sa APEC Gala Dinner.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ayon naman sa Office of the Press Secretary, bagama’t tinalakay ang mga regional issues sa naturang pulong, ang karamihan naman umano ay mga discussions kaugnay sa nakatakdang state visit ni Marcos sa China sa January 2023.

Dagdag ng pangulo, na sa kanyang kauna-unahang pulong sa lider ng China, ay tila getting-to-know-you lang.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Bago nito, isinulong ni Marcos noong nakaraang linggo sa Association of Southeast Asian Nations Summit sa Cambodia, ang finalization ng Code of Conduct sa South China Sea, layuning atasan ang mga claimants countries na umayos upang maiwasan ang komprontasyon sa strategic waterway. //MHEL PACIA