Aminado ang dating aktres at PBB housemate na si Niña Jose na hindi niya inakala na magiging alkalde siya.
Si Niña ang papalit sa asawa niyang si Bayambang Pangasinan incumbent mayor Cesar Quiambao.
Nakuha ni Niña ang kabuuang 41,685 votes kumpara sa 27,373 votes na nakuha ng kanyang kalaban.

Sinabi ni Niña na hindi niya naisip na maging alkalde balang araw dahil ang pangarap lang niya ay maging UN Ambassador nang gaya ni Audrey Hepburn.
Giit ng bagong alkalde na posibleng isa ito sa mga manifestation ng Diyos sa kanyang buhay.
Labis naman ang pasasalamat ni Niña sa kanyang mga kababayan, mga sumuporta, naniwala at tumulong sa kanya noong halalan.