Pay roll ng mga senior citizen sa social pension para sa 4th quarter ng taong 2022, inihahanda na ng OSCA Legazpi

Inihahanda na ngayon ng Office for the Senior Citizen (OSCA) ng Legazpi City ang pay roll para sa social pension ng mga senior citizen sa lunsod.

Ayon kay Araceli Procal, center manager ng nasabing opisina, inaayos na ng OSCA ang pay-out ng mga senior citizen para sa 4th quarter ng taong 2022.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Umaabot sa 3,259 ang magiging benepisyaryo sa lunsod na makakatanggap ng PHP1,500 bawat quarter habang 2,522 naman ang mga miyembro ng LGU na pensioner ng nasabing programa.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa ngayon ay umaabot na sa 25,415 ang kabuuhang bilang ng senior citizen sa lunsod para sa taong 2022.

Ang social pension na ibinibigay sa mga senior citizen ay para sa mga indigent at ito ay ginagamit para sa kanilang gamot at pagkain.