Patay na lalaki, nakita sa labas ng abandonadong bahay

Natagpuan sa labas ng abandonadong bahay ang walang ng buhay na lalaki na kinilalang si Joey Kapak, 43-anyos sa Sitio Pansur, Brgy. Malis, Brooke’s Point, Palawan bandang alas-tres ng madaling araw kahapon, Ika-11 ng Pebrero.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa ulat ng PNP, ang biktima ay hinampas umano ng hindi matukoy na bagay bago hinila sa gilid ng isang bahay at tinalian ang leeg base sa salaysay ng nakakita.

Ang suspek ay kinilala ng PNP na si Roel Panaligan alyas Bikol na naaresto rin agad ng PNP matapos na ituro ng witness.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Samantala, inihahanda na ng kasong murder laban sa suspek habang iniimbestigahan ang motibo sa krimen.