Pasanin sa proposed tax sa digital services, plastic, maaring ipasa sa consumers

Hindi isinasantabi ng isang mambabatas ang posibilidad na maaring ipasa sa mga consumers ang pasanin na dulot ng panukalang buwis na ipapatupad sa mga digital services at single-use plastic.

Ayon kay Ako Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos, responsibilidad ito ng mga kinabibilangang kompaniya, pero lagi umano nilang tinitingnan ang competitive side ng negosyo.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Mababatid na inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4122 na naglalayung ipatupad ang 12% value-added tax sa nonresident digital service providers, gaya ng Spotify at Netflix.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Aprubado narin ang House Bill 4102 na nagmumungkahing gawing P100 ang excise tax sa kada kilo ng single-use plastic bags.

Paliwanag ni Delos Santos, na sa pamamagitan nito, lalakas ang competitiveness ng local digital service providers, at matatanggal na ang pag-gamit ng single-use plastic bags, sa halip ay maisusulong ang eco-bags sa bansa. //MHEL PACIA