Partial report ng Senado sa Pharmally investigation, ilalabas ngayong linggo

Inaasahan na ilalabas ng Senate Blue ribbon committee ngayong linggo ang partial report ng imbestigasyon nito kaugnay sa mga anomalya umano sa procurement ng P42-billion na halaga ng COVID-19 supplies.

Isasagawa rin ng komite, na pinangungunahan ni Senator Richard Gordon, ang ika-12 at huli nitong pagdinig bukas.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Matatandaan na naghain si Pangulong Rodrigo Duterte ng memorandum na nagbabawal sa mga opisyal ng Ehekutibo na magpartisipa sa inquiry.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Samantala, naniniwala naman si Gordon na posibleng umabot sa Malacañang ang imbestigasyon nito matapos madawit sa isyu ang dating economic adviser ng Pangulo na si Michael Yang.