Parte ng kilalang pizza and pasta chain sa Naga, nasunog!

NAGA CITY- Nasunog ang bahagi ng kilalang pizza and pasta chain sa Galleria de San Francisco , San Francisco Naga City Huwebes ng umaga, Disyembre 28, 2023.

Kapansin-pansin ang usok na nagmumula sa kaninan. Narespondehan ito ng Bureau of Fire Protection Naga at fire volunteer na Chin Po Tong.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sinabi ng Bureau of Fire Protection Naga na nagsimula ang sunog sa may bahagi ng pinaglulutuan ng mga crew dito partikular sa gamit may piniprituhan. Gayunpaman patuloy ang imbestigasyon at inaalam ang pinsala. Wala namang nasugatan sa pangyayari.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nagbabala ang BFP sa sunog, nito lamang nagdaang gabi nsunog din ang isang bahay sa Barangay Pacol na narespondehan din ng mgatagapamatay sunog.