Part 4 bayanihan bakunahan isasagawa ngayong araw- DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Tatlong araw na isasagawa ang pagbabakuna sa mga 12 taong gulang pataas na kulang sa bakuna o wala pang bakuna at 18 taong gulang pataas naman para sa mga wala pang booster shots sa buong Bicol Region.

Ito ang inihayag ni Dr Monrey Isaiah Mancilla, ng Department of Health (DOH) Bicol sa ginawang Virtual Press Briefing kahapon.

Ayon kay Moncilla, simula ngayon araw ng Huebes Marso 10 hanggang araw ng sabado Marso 12, 2022 magkakaroon muli nang Part 4 National bayanihan bakunahan ang isasagawa ng bawat Local Government Unit (LGU).

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aabot sa 104, 630 ang target na dapat mabakunahan sa loob lamang ng tatlong araw sa Bicol. Nasa 38, 626 ang target na mabakunahan na primary dose habang 21 216 sa second dose.

Target rin ng ahensya na mabakunahan ang A2 priority group o senior citizen na aabot sa 17, 410 habang booster dose na 66,004 ang target na mabakunahan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa tala ng tanggapan, umaabot sa 25, 594 sa Albay ang target na mabakunahan, Camarines Norte, 9294, Camarines Sur, 32, 650, Catanduanes 5 925, Masbate 18 791,, Sorsogon 15 120, at Naga City 2 268 ang kanila mabakunahan.

Hinikayat rin ng opisyal ang publiko na makiisa sa gagawing aktbidad na pagbabakuna sa bawat local na Pamahalaan upang mayroong panlaban sa covid 19.