Parking fees sa palibot ng Daraga municipal hall, tinanggal na

LEGAZPI-Sinuspinde ng lokal na pamahalaang ng bayan ng Daraga sa Albay ang paniningil ng parking fees sa palibot ng munisipyo.

Ito ang sa bisa ng inilabas na Executive Order No. 11 na pirmado ni Mayor Awin Baldo.

Ayon sa EO, suspendido na ang pagkolekta ng parking fees sa palibot ng munisipyo, covered court, LCC Mall maging sa Daraga Public Market simula pa noong nakaraang linggo, Hulyo 7, 2022.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Kung matatandaan, nasa P20-100 ang singil sa parking bago inemplementa ang nasabing executive order.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon naman sa information officer ng bayan, marami kasi ang nagrereklamo na umanoy ilang minute lamang naka-park subalit sinisingil mas lalo pa ang mga mayroong mahahalagang transakyon.

Marami din umano ang nahihirapan ngayong pandemya.

Ang sinuman umanong lumabag sa nasabing order ang maaaring mapatawan ng penalidad.