Panukalang personal finance education bago ikasal, umarangkada na sa Kamara

Lusot na sa House Committee on Population and Family Relations ang House Bill 5288 na naglalayong magkaroon muna ng personal finance education ang mga ikakasal bago mabigyan ng marriage license.

Ayon kay Bukidnon rep. Jose Manuel Alba, na maraming nagpapakasal na hindi nagtatagal dahil sa problemang pinansyal.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Kaya layunin ng panukalang batas na maturuan muna ang ikakasal sa aspeto ng pinansyal bago ito pumasok sa buhay mag-asawa.

Nakasaad sa panukalang batas na kailangan kumpletuhin muna ng ikakasal ang personal finance education na ibibigay ng Local Family Planning Office at sa oras na makumpleto ito tyaka pa lamang mag-iisyu ng Certificate of Compliance para maging basehan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Kasama sa seminar ang kaalaman sa behavioral finance, savings, emergency and resilience fund, debt management, investment, insurance at retirement plan.