Pangulong Marcos – tiniyak na may mananagot sa posibleng ‘paihi’ ‘o oil smuggling sa Bataan

Pananagutin ang mga taong sangkot sa nangyaring oil spill sa Motor Tanker Terranova, at paglubog ng MTKR Jason Bradley at MV Mirola 1.

Ito ang naging pagtitiyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa gitna ng papamamahagi ng tulong sa mga apektado ng oil spill sa Navotas City.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Pangulong Marcos, inaalam na ngayon ng mga otoridad kung ang mga vessels na ito ay may kaugnayan sa oil smuggling.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Tuloy-tuloy din aniya ang paghahanap ng sagot hinggil dito gaya ng: kung bakit napatakbo ang mga barko kahit walang rehistro.

Lahat umano ng mga ito ay bubusisiin, at pananagutin ang mga taong nasa likod ng insidente.