Pangulong Marcos, positibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagpositibo si Pangulong Bongbong Marcos sa COVID-19 antigen test.

Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Angeles na nakararanas ngayon ang pangulo ng ‘slight fever’.

Negatibo naman si Representative Sandro Marcos kahit na kasama nito ang kanyang ama.

Samantala, naka-out of town naman ang iba pang miyembro ng First Family.

Read More:  Legarda pushes ₱10,000 internship allowance for students

Nag-negative na rin ang iba pa nitong close contacts; habang ang iba pa nitong nakasalamuha sa mga presidential activites ng mga nagdaang araw, kabilang na ang oath-taking ng mga new officials, ay inabisuhan na rin ng Presidential Management Staff.

Hindi na rin makadadalo si Marcos sa ilang mga aktibidad na naka-schedule ngayong araw kabilang na ang paggunita ng US Independence Day sa US Embassy.

Read More:  Sen. Imee warned she might end up like ‘Jay Sonza’ or get arrested

Samantala, dadalo pa rin ito ‘virtually’ sa pulong ng Liga ng mga Gobernador at Alkalde.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sasailalim si Marcos sa mandatory na seven-day isolation.

Hindi na rin daw ito kinakailangang sumailalim pa sa confirmatory RT-PCR test, dahil accurate ang antigen test sa kung symptomatic ang isang infected individual.
#