Pangulong Marcos, nagtakda na ng price ceiling sa bigas

Inaprobahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekomendasyon na mag takda ng price ceiling sa presyo ng bigas sa buong bansa.

Sa bisa ng Executive Order no.39 na may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na ang presyo ng regular milled rice ay hindi dapat lumagpas sa 41 pesos kada kilo.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Habang 45 pesos naman ang price cap para sa well-milled rice.

Mananatili ang price ceiling hanggat hindi ito inaalis ng Pangulo.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Base ito sa naging rekomendasyon ng Department of Agriculture at ng Department of Trade and Industry.

Mababatid na umaaray na ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng kada kilo ng bigas sa merkado.