Pangulong Marcos, imbitado sa World Economic Forum sa susunod na taon

Inanunsyo ng Malacañang na imbitado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) na gaganapin sa susunod na taon.

Ayon kay Office of the Press Secretary Officer in Charge Undersecretary Cheloy Garafil, mismong si WEF Founder at Executive Chairman Klaus Schwab ang nag-imbita kay Pangulong Marcos na makilahok sa nasabing forum sa Davos, Switzerland at nakatakda sa January 16 hanggang 20, 2023.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon kay Schwab, mahalaga ang magiging attendance ni Marcos sa WEF kung saan magsisilbi itong magandang oportunidad para malaman ng global business community ang dynamism at positive developments sa Pilipinas.

Binigyang diin ng Executive Chairman na makakahatak din dito si Marcos ng mga posibleng investors o mas maraming mamumuhunan.

Ginawa ni Schwab ang imbitasyon kasabay ng isang breakfast meeting kasama si Marcos sa Cambodia kung saan pinuri nito ang Pangulo dahil sa muling paglakas ng ekonomiya ng bansa.
#