Pangulong Marcos, hindi natuloy sa Romblon at Ilocos dahil sa sama ng panahon

Hindi nakapunta si Pangulong Bongbong Marcos sa bayan ng Odiongan, Romblon kaninang umaga dahil sa sama ng panahon.

Pangungunahan sana ng Pangulo ang pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks na lubhang naapektuhan ng nagdaang El Niño.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sa halip, si Department of the Interior and Local Government o DILG Benhur Abalos ang humalili sa Pangulo.

Si Abalos na rin ang nagbasa ng talumpati ni Pangulong Marcos.

Sa kabuuan nakapamahagi ang pamahalaan ng higit 116 million na financial assistance sa mga benepisyaryo galing Romblon, Oriental at Occidental Mindoro.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Samantala, ngayong hapon ay cancelled din ang kaniyang pagdalo sa inagurasyon at turn-over ng Rice Processing System sa Piddig, Ilocos Norte dahil din sa sama ng panayon.