Pangulong Marcos, byaheng Australia sa susunod na linggo

Byaheng Australia si Pangulong Bongbong Marcos sa February 28 hanggang 29.

Ayon sa Presidential Communications Office, makikipag kita ang Pangulo sa Australian Parliamanent kung saan inaasahang tatalakayin nito ang strategic partnership ng Pilipinas at Australia na nalagdaan noong nakaraang taon.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Magkakaroon din ito ng hiwalay na meeting sa mga matataas na opisyal ng Australia para pag usapan ang patungkol naman sa defense and security, trade, investments, people-to-people exchanges, multilateral cooperation, at mga regional issues.

Inaasahang sasaksihan din ng Presidente ang paglagda sa mga bagong kasunduan sa mga lugar na may karaniwang interes upang umakma sa matatag nang relasyon sa Australia at palawakin ang mga pakikipag-ugnayan para sa mutual capacity-building.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Samantala, ipagdiriwang na ng Pilipinas at Australia ang ika-78th anniversary ng diplomatic relation sa darating na November.