Nagpulong sina Pangulong Bongbong Marcos at United Nations Secretary General António Guterres sa sidelines ng ika-77 UN General Assembly.
Sa pahayag mula sa UN, tinalakay umano nina Marcos at ng UN official ang ilang mga usapin hinggil sa UN cooperation and support.
Maliban pa rito, pinag-usapan din ng dalawa ang mga hakabng para malabanan ang mga epekto ng climate change.
Matatandaaang sa pagharap ni Marcos sa debates ng UNGA – ipinunto nito na ang climate change ang isa sa mga pinakamalaking bantang kinahaharap ngayon ng mga world leaders.
Hinikayat ng Pangulo ang mga state leaders na magkaisa para labanan ito sa pamamagitan ng pagputol sa mga greenhouse gas emmissions, at pagpa-prayoridad sa mga teknolohiyang nakatuon sa pagpigil ng pagkasira ng kapaligiran.
Simula mamayang gabi (oras sa Pilipinas), muling haharap si Marcos sa serye ng mga pagpupulong para sa ika-apat na araw niya sa Amerika.
Alas-nueve mamayang gabi ay magkakarong muli ng isang meeting sa Carlyle Hotel.
Makapupulong din ng Pangulo si European Council President Charles Michel at ang delegasyon nito.
Bukas ng umaga (oras sa Pilipinas), magtutuloy-tuloy ang mga aktibidad ni Marcos kasama na ang pagdalo sa US-ASEAN Business Council at US Chamber of Commerce Business Dialogue.
Samantala, kinumpirma na rin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na magkikita si Marcos at si US President Joe Biden.
#

