Pangulong Duterte tinawag na ‘win-win solution’ ang 2016 arbitral award

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2016 arbitral award sa South China Sea bilang ‘win-win solution for all’.

Sa kanyang talumpati sa 76th United Nations-General Assembly, sinabi nitong patuloy na isinusulong ng Pilipinas ang maaayos na pagresolba sa anumang hindi pagkaka-unawaan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kaisa din ang bansa ayon sa Pangulo sa iba pang ASEAN countries at stakeholders para mapanatili ang South China Sea bilang mapayapa, ligtas at maunlad.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Wala din umanong bansa gaano man kalaki at kalakas ang makakapagpababa sa kahalagahan ng arbitral award.

Sa kabila nito hinimok naman ng Presidente ang UN na magsagawa ng ‘reformation’ para mas maging epektibo sa pagtugon sa mga global issues.