Panel na magmo-monitor sa P9.28B confidential at intel funds, binuo na

Ini-sponsoran ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang resolusyon para sa pormal na pagbuo ng special panel, na mangangasiwa sa pag-gamit ng confidential at intelligence funds (CIF) na ibinigay sa mga ahensya ng gobyerno para sa susunod na taon.

Bagama’t kinikilala ni Zubiri ang “necessity” ng CIF, binigyang diin din nito ang kahalagahan ng palaging pagiging vigilant kaugnay sa pag-gamit nito.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Kaugnay nito, si Zubiri ang magiging chairman ng komite, na sasamahan nina Senators Sonny Angara, Ronald “Bato” dela Rosa, Majority Leader Joel Villanueva, at Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel bilang mga miyembro.

Nanawagan naman si Pimentel sa panel ng “second level of defense” pero muling iginiit ang kanyang posisyon na ang pagbibigay ng CIF sa ilang mga ahensya, ay hindi umano magangdang practice.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mababatid na ang pagbibigay ng CIF para sa ilang mga ahensya, ay ang pinaka- contentious issues na lumabas sa week-long marathon debates ng Senado kaugnay sa panukalang P5.268-trillion national budget para sa 2023.

RELATED STORIES:

Kontrobersyal na confidential at intelligence funds, gigisahin sa Senado

Koko: ‘intelligence at confidential funds’, dapat sa mga security agencies lang ibigay