Pamilya sa Tampakan, itinanghal na Most Outstanding Model Family sa So.Cot

KORONADAL CITY- ITINANGHAL bilang Most Outstanding Model Family sa probinsya ng South Cotabato ang pambato ng bayan ng Tampakan.

Sa isinagawang awarding ceremony kamakailan lamang, nakuha nina Mr. Georgie at Mrs. Lorraine Cornelio and family ang unang pwesto sa naturang search.

Bilang premyo, ang mga ito ay nakatanggap ng P 40,000 at trophy.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, 1st runner up naman sina Mr. Gregorio at Mrs. Dorothy Otero and Family ng Norala na nakatanggap ng P 30,000 na premyo at 2nd runner up sina Mr. Benjie at Emma Blonto and family ng Lake Sebu na nakatanggap ng P 20,000.

Layon ng Search for Model Family na kilalanin at parangalan ang mga modelong mag-asawa at kanilang mga anak na nagpapakita ng magandang pamamahala sa kanilang pamilya at tahanan sa pamamagitan ng pagmamahalan, pagpapakumbaba, value for education, hard work, love of God at serbisyo sa kapwa.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang Search for Most Outstanding Model Family ay taunang isinasagawa sa South Cotabato sa pangunguna ng Provincial Population Office.